Rider sugatan nang maaksidente ang motorsiklo sa EDSA-Shaw

ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2017 12:29 AM

Aksidente sa EDSA-Shaw. Sofia Regalado, ABS-CBN News

MAYNILA - Sugatan ang isang rider matapos maaksidente ang sinasakyang motorsiklo sa EDSA - Shaw Boulevard, Linggo, bisperas ng Pasko. 

Aksidente sa EDSA-Shaw. Gigie Cruz, ABS-CBN News

Ayon sa MMDA, pasado alas-11 ng gabi nangyari ang aksidente na kinasasangkutan din umano ng bus, bagama't wala pang malinaw na ulat kung ano ang naging sanhi nito. 

Agad namang rumesponde ang ambulansiya sa lugar.