PatrolPH

Residential area sa Mandaluyong City nasunog

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2021 07:46 PM

Nasunog ang isaNG residential area sa Pitong Gatang St., Brgy. Old Zaniga sa Mandaluyong City nitong Biyernes. Jonathan Cellona, ABS-CBN News
Nasunog ang isang residential area sa Pitong Gatang St., Brgy. Old Zaniga sa Mandaluyong City nitong Biyernes. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA — Isang residential area sa Mandaluyong City ang nasunog nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa BFP Mandaluyong, itinawag sa kanila ang sunog sa Pitong Gatang St. sa Brgy. Old Zaniga mga alas 5 ng hapon.

Umabot sa 2nd alarm ang pagsiklab makalipas ang 30 minuto kaya't kaniya-kaniyang salba ng gamit ang mga residente. 

Pinapunta ang mga naapektuhang residente sa isang temporary evacuation center.

— Ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.