ABS-CBN Foundation projects para sa Yolanda survivors, nasira ng Bagyong Odette

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2021 06:51 PM

Mga proyekto para sa mga Yolanda survivor, nasira ng Bagyong Odette 1
Mga proyekto para sa mga Yolanda survivor, nasira ng Bagyong Odette 2
Mga proyekto para sa mga Yolanda survivor, nasira ng Bagyong Odette 3
Mga proyekto para sa mga Yolanda survivor, nasira ng Bagyong Odette 4
Kuha ni Rotchie Castil
Kuha ni Rotchie Castil
Kuha ni Rotchie Castil
Kuha ni Rotchie Castil

MAYNILA -- Ilang mga proyekto ng ABS-CBN Foundation para sa mga naapektuhan ng Bagyong Yolanda noong 2013 ang nasira din ng Bagyong Odette.

Kabilang dito ang skimboarding site sa Brgy. San Jose sa bayan ng Dulag, Leyte. Nasira ang mga cottage sa nasabing pasyalan dahil sa malakas na alon at hangin.

Napinsala rin ang surf camp sa Brgy. Sabang sa Dulag. Pinadapa ng Bagyong Odette ang ilang pasilidad nito dahil sa storm surge.

Ayon kay Rene Dumaguit, chairman ng grupo na humahawak sa surf camp, ang mga pasyalan na ito ay nagsisilbing kabuhayan ng mga survivor ng Bagyong Yolanda noong 2013.

Ilan lamang ito sa mga proyekto ng ABS-CBN Foundation bilang tulong para makaahon ang mga residente matapos ang pananalasa ng Bagyong Yolanda.

Sa ngayon, panibagong tulong ang kailangan ng mga grupo na humahawak sa mga proyektong ito dahil naman sa pananalasa ng Bagyong Odette.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC