PatrolPH

Ilang batang nangangalakal sa Bgy. Tumana binigyan ng pang-Noche Buena

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2020 10:13 PM | Updated as of Jan 05 2021 04:13 PM

Ilang batang nangangalakal sa Bgy. Tumana binigyan ng pang-Noche Buena 1

MAYNILA – Dahil sa pandemya at kalamidad ngayong taon, tila huminto at nag-iba ang mundo ng mga kabataan. 

Ang 11-anyos na si Angelo Pagunsan, tuloy pa rin ang pag-aaral kahit may malaking responsibilidad siyang pasan.

"Pagtapos ko po mag-aral, nangangalakal na po ako... Simula tanghali hanggang gabi... Bibili po ng pagkain, papahinga po saglit, tapos tutuloy na po ulit... Tapos 'pag nagkapera po ako binigay ko kay mama pambili ng gatas," aniya. 

Panganay sa 4 na magkakapatid si Pagunsan. Ang bunso nilang si Daniel ay ipinanganak na walang mga mata at may bingot. 

Sa kanya inilalaan ni Pagunsan ang kinikita mula sa pangangalakal. 

Repairman ang tatay ni Pagunsan na suma-sideline din sa pagpi-pedicab, pero halos walang kitain dahil sa community quarantine. 

Hulugan din ang cellphone na inutang nila para makapag-online classes ang mga bata.

Katulad ni Pagunsan ang 12-anyos na kapitbahay nilang si Vernalyn Villanueva. Kasama niya ang mga kaibigan tuwing nangangalakal. 

"Isang beses nasugatan 'yung kaibigan ko, nakaapak siya ng pako, tapos kinaumagahan nangitim na lang po siya," kuwento ng bata.

Para may pagsaluhan ang kanilang pamilya ngayong Pasko, handog ng ABS-CBN Sagip Kapamilya ang pang-Noche Buena para sa mga kabataan ng Barangay Tumana. 

May Noche Buena ding pagsasaluhan aang mahigit tig-200 residente ng Navotas at Malabon. 

Nais pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na donor:

Ilang batang nangangalakal sa Bgy. Tumana binigyan ng pang-Noche Buena 2
Ilang batang nangangalakal sa Bgy. Tumana binigyan ng pang-Noche Buena 3
Ilang batang nangangalakal sa Bgy. Tumana binigyan ng pang-Noche Buena 4
Ilang batang nangangalakal sa Bgy. Tumana binigyan ng pang-Noche Buena 5

ABS-CBN

ABS-CBN

ABS-CBN

ABS-CBN

Patuloy na nananawagan ang ABS-CBN para sa pagbabayanihan at pagtulong sa pagbangon ng mga naapektuhan ng bagyo.

Ilang batang nangangalakal sa Bgy. Tumana binigyan ng pang-Noche Buena 6

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.