Maulang Pasko inaasahan sa pananalasa ni 'Ursula' sa PAR

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2019 07:20 PM | Updated as of Dec 24 2019 07:33 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Magiging maulan ang pagsalubong ng Pasko sa ilang lugar sa bansa dala ng bagyong Ursula, batay sa weather outlook ng state weather bureau na PAGASA. 

Nag-landfall na ang bagyo sa Salcedo, Eastern Samar alas-4:45 hapon ng Martes at mas lumalakas pa ito habang kumikilos pakanluran.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras (kilometer per hour/ kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kph. 

Dahil sa bagyo, inaasahan ang malakas na ulan sa Dinagat Islands, Siargao at Bucas Grande Islands, Eastern Visayas, Sorsogon, Masbate, Northern at Central Cebu, northern Negros provinces, Romblon, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras mula Disyembre 24 hanggang 25, bisperas hanggang araw ng Pasko. 

Mahina hanggang moderate na may pabugso-bugsong mabigat na buhos ng ulan ang inaasahan sa Quezon Province, nalalabi pang bahagi ng Visayas, Bicol Region, at Surigao del Norte.

Nakataas ngayon ang public storm warning signals sa mga sumusunod na lugar: 

Signal No. 3

  • Northern Samar
  • Samar
  • Eastern Samar 
  • Biliran
  • Leyte
  • Camotes Islands

Signal No. 2 

  • Southern portion ng Quezon
  • Marinduque
  • Oriental Mindoro 
  • Occidental Mindoro kabilang na ang Lubang Island 
  • Romblon 
  • Albay 
  • Sorsogon 
  • Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands
  • Extreme northern Cebu kabilang ang Bantayan 
  • Northeastern Iloilo 
  • Northern Antique
  • Capiz 
  • Aklan 
  • Southern Leyte
  • Extreme northern Negros Occidental
  • Dinagat Islands

Signal No. 1

  • Bulacan 
  • Bataan
  • Metro Manila
  • Rizal 
  • Cavite 
  • Nalalabing bahagi ng Quezon 
  • Laguna 
  • Batangas 
  • Camarines Sur
  • Camarines Norte 
  • Catanduanes 
  • Northern Palawan 
  • Calamian Islands
  • Cuyo Islands 
  • Northern Cebu 
  • Central Cebu 
  • Northeastern Bohol 
  • Nalalabing bahagi ng Antique
  • Iloilo 
  • Guimaras
  • Northern Negros Occidental
  • Surigao del Norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands 

Inaasahang aalis na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mula Biyernes ng gabi hanggang umaga ng Sabado kung magpapatuloy ang galaw nito, ayon sa PAGASA. 

Maaaring si Ursula na ang huling bagyo na tatama sa PAR ngayong 2019.  -- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.