Kotse bumaliktad sa highway sa Nueva Vizcaya

Harris Julio, ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2019 11:09 PM

Kuha ni Benjie Siador, Jr.

Bumaliktad ang isang kotse sa highway ng Barangay Bone South sa bayan ng Aritao sa Nueva Vizcaya Martes ng hapon.

Ayon sa Bayan Patroller na si Benjie Siador, Jr., naka-seatbelt ang drayber ng kotse kaya gasgas lamang ang tinamo nito.

Ligtas rin ang iba pang pasahero na agad nilapatan ng paunang lunas bago dalhin ng rescue team sa ospital.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad sa naging sanhi ng aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.