Barangay chairman sa Davao del Sur, inararo ng truck

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2019 05:25 AM

HAGONOY, DAVAO DEL SUR—Patay si Barangay Chairman Datu Mardioc Buat, 66 anyos, matapos masagasaan ng mini dumptruck, Lunes ng umaga, sa Barangay Guihing.

Sa inisyal na imbestigasyon, nag-alanganin sa pag-overtake sa truck ang biktima dahil may kasalubong ito kaya nawalan siya ng kontrol sa manibela at natumba sa gulong ng truck kaya nasagasaan.

"Idinala pa namin siya sa ospital pero patay na. Nawasak ang bahagi ng ulo niya" ani Police Maj. Sgt. Deo Karol Aznar ng Hagonoy Municipal Police Station.

Nasa kostudiya na ng police station ang driver ng truck. Aniya nagulat na lamang siya na biglang may naramdaman sa likod na bahagi ng kanyang gulong,iyon pala ay nasagasaan na niya si Buat.

"Nakita ko na siya sa side mirror ko pero maya-maya naramdaman ko na lang na may kakaiba sa likod na bahagi ng gulong ko," ani driver.

Ayon sa kapatid na si Randy, galing Digos City ang kanyang kapatid dahil nagbayad sa kanyang motor at pauwi na sa kanilang bahay sa Barangay Aplaya nang manyari ang insidente.

"Uuwi talaga siya dahil barangay session [sana] nila ngayon Lunes" ani Randy.

Hindi pa nakapagdesisyon ng pamilya kung magsasampa ba ng sila kaso laban sa driver.—Ulat ni Clarabelle Cornelio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.