6 arestado sa buy-bust operation sa QC

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2019 05:27 AM

QUEZON CITY—Arestado ang 6 suspek matapos mahulihan ng iligal na droga sa isang buy bust-operation sa isang hotel sa E. Rodriguez, Quezon City.

Nasabat ng Quezon City Police District Station 8 ang P204,000 na halaga ng iligal na droga.

Ayon kay Police Lt. Col. Sandro Tafalla, target ng operasyon ang isang lalaking regular customer ng hotel. 

Modus umano ng suspek ang magbenta ng iligal na droga sa mga parokyano gamit ang isang gay dating app.

Nakipagtransaksyon ang police poseur buyer para sa P1,000 halaga ng iligal na drog at nang magpositibo ang transaksyon ay nalambat din ang mga suspek. 

Nakuha sa kanila ang 30 gramo ng shabu, mga syringe, toother at iba pang drug paraphernalia.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.