2 patay, 6 sugatan sa pag-araro ng AUV sa QC

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2019 01:19 PM

MAYNILA - Dalawa ang patay at sugatan ang 6 iba pa matapos araruhin ng isang AUV habang nagsasaya sa kalsada sa Barangay San Jose, Quezon City Lunes ng gabi.

Dead on arrival sa ospital sina Elena Baga, 32, at Zenaida Zamora, 65.

Binabaybay ng AUV na minamaneho ng isang Edmund Sumundong ang kanto ng Mauban Street at mabilis na lumiko pakanan sa may Tinagan Street kung saan may isang party, ayon sa paunang ulat ng QC Traffic Sector 1.

Sa bilis ng takbo ng sasakyan ay hindi na ito nakapreno at inararo ang mga tao sa kalsada. Nabangga rin ang isang pampasaherong jeep na nakarapada sa kalsada.

Lumitaw sa imbestigasyon na nakainom si Sumundong at ang kaniyang kasamahan na si Jesie Balambao. Wala ring lisensya si Sumundong at nagpapaturo lang sa pagmamaneho nang mangyari ang aksidente.

Mahaharap ang dalawa sa kasong reckless imprudence resulting in homicide with multiple injuries and damage to properties.

--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.