12 babaeng biktima umano ng human trafficking sinagip sa Zamboanga port

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2019 02:02 PM

MAYNILA - Sinagip ng Bureau of Immigration (BI) ang nasa 12 babaeng hinihinalang biktima ng human trafficking na nagtangkang umalis ng bansa mula sa Zamboanga International Seaport. 

Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, pasakay ng barkong pa-Sandakan, Malaysia ang mga pasahero nitong Disyembre 17 nang pigilan sila ng awtoridad. 

May ilang kaduda-duda umanong sagot ang mga biktima sa mga tanong ng awtoridad, ayon sa BI. 

Hindi umano nila maidetalye ang kanilang itinerary kaya sila hinarang, paliwanag nila. 

Galing sa iba't ibang parte ng bansa ang mga nasagip na bikima. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.