Lalaki natagpuang patay sa Iloilo

Regi Adosto, ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2018 01:01 AM

OTON, Iloilo - Ikinagulat ng mga residente ng Barangay Pakiad sa bayang ito ang pagkatagpo sa isang bangkay ng lalaki sa gilid ng kalsada Linggo ng umaga.

Ayon sa pulisya, isang babaeng nagjo-jogging ang nakakita sa bangkay sa damuhan.

Nakabalot ng masking tape ang mukha ng lalaki kaya nahirapan ang mga pulis na makilala ito.

Nakagapos rin ang mga kamay at paa nito.

Matapos ang ilang oras, lumapit sa pulisya ang kapatid ng biktima na kinilalang si John Roe Gregori na residente ng Barangay Lanit sa bayan ng Jaro.

Inaalam pa ang ibang detalye tungkol sa biktima. Maari rin umanong biktima ito ng summary execution.

Kung pagbabasehan ang apelyido ng biktima, ayon sa pulisya, malaki ang posibilidad na kamag-anak ito ng napaslang na drug leader na si Richard Prevenido ng Iloilo City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.