Opisyal ng barangay, sugatan sa pamamaril sa Pangasinan

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2017 10:18 PM

Nakaligtas sa pamamaril ang isang opisyal ng Barangay Vacante sa Binalonan, Pangasinan Biyernes ng gabi.

Base sa imbestigasyon, nakikipagsugal sa isang lamay ang biktimang si Jonathan Flores, alyas Palos, nang barilin ng salarin.

Isang tama ng bala sa mukha ang tinamo ni Flores, na ngayo'y ginagamot sa ospital.

Ayon naman sa barangay chairman na si Eduard Biado, maaaring paghihiganti ang motibo sa pamamaril.

Nakatakas ang salarin habang nasa kustodiya naman ng pulisya ang motorsiklo ng suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.