‘Holiday stress’, maaaring makaapekto sa pakikipagtalik

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2017 10:04 PM

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

Ipinaliwanag ni Dr. Lulu Marquez sa kaniyang programang "Private Nights" sa DZMM ang epekto ng "holiday stress" sa pakikipagtalik.

"You will have sexual problems, sexual dysfunction, if you have stress. These are medically proven," sabi ni Marquez.

Karaniwan din aniyang nakararanas ng stress ang ilang mag-asawa sa tuwing sasapit ang Pasko.

"For example, ngayong Pasko, nagdaan iyong madaming araw na nagpe-prepare kayo ng bibilhing regalo... stress 'yon," paliwanag ni Marquez ukol sa stress ngayong holiday season. "Sabi nila kapag stressed daw ay walang ganang makipagtalik."

Dagdag pa ni Marquez, mayroong maituturing na "tatlong hari" ang hormones na nakaaapekto sa kagustuhang makipagniig.

"Your three brain chemicals, kung mababa dahil stressed ka--serotonin, noradrenaline, at dopamine--parang three kings 'yang mga 'yan. Kapag mababa 'yan, wala, plakda [sa pakikipagtalik]," ani Marquez.

"Kapag may stress, it can cause erectile dysfunction for men. Kapag may stress, at kung may anxiety, it can affect the brain signals that actually control your body's response whenever you make love," sabi ng doktor. "And for women gano'n din, you will have vaginal dryness."

Paliwanag din ni Marquez, bukod sa nakaaapekto ang stress sa kagustuhang makipagniig sa asawa, nagiging salik din ang stress sa iba't ibang karamdaman tulad ng sakit sa puso, diabetes, at fatigue o sobrang pagod.

Nagbabala rin ang doktor laban sa mga maling paraan ng pangontra sa stress.

"So kapag stressed ka, kumakain ka, naninigarilyo ka, tumotoma ka... it's wrong."

Dapat aniya, bago maging malala ang stress, subukan na agad itong i-manage sa pamamagitan ng pag-e-ehersisyo, pagkain nang tama, at pagtulog nang sapat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.