Bong Revilla nakasama ang pamilya bisperas ng Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2017 11:44 PM

MAYNILA - Nakabalik na sa Camp Crame Custodial Center si dating Senador Bong Revilla Jr. matapos pansamantalang makasama ang pamilya sa kanilang bahay sa Cavite, Linggo, bisperas ng Pasko.

Ayon sa anak niyang si Cavite vice governor Jolo Revilla, "unexpected" o hindi inaasahan ng pamilya ang pagkakataong makasama ang dating opisyal na nakadetine dahil sa kaso kaugnay sa pork barrel scam. 

Ani Jolo, kahit sa maiksing panahon lamang ay nagpapasalamat sila sa pagkakataon dahil ngayong taon lamang nabuo ang kanilang pamilya sa Pasko mula nang makulong si Revilla noong 2014.

Pinayagan ng korte si Revilla at kapwa aksudaong si Richard Cambe na makasama ang kani-kanilang pamilya mula alas-11 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi sa bisperas ng Pasko.

Dumating ang convoy ni Revilla sa Crame bandang alas-9:15 ng gabi, alinsunod sa iskedyul na ibinigay ng Sandiganbayan.--ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.