ALAMIN: Mga araw na walang number coding ngayong holiday season

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2017 05:43 PM

Sinuspende ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme para sa ilang araw ngayong holiday season.

Sa abiso ng MMDA sa opisyal na Twitter account nito, walang number coding sa mga sumusunod na araw:

  • Disyembre 25 - 26, 2017 (Lunes - Martes)
  • Enero 1, 2018 (Lunes)

Saklaw nitong suspendidong number coding scheme maging ang Makati at Las Piñas.

Sa isa pang abiso, sinabi rin ng MMDA na sarado ang kanilang tanggapan ngayong Pasko.

Pero kung may emergency sa kalsada, maaaring tumawag sa MMDA Hotline 136.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.