1 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa Pasay

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2017 10:34 AM | Updated as of Dec 24 2017 09:06 PM

MANILA - Patay ang isang dating barangay chairman at ngayo'y empleyado ng Pasay City Hall matapos pagbabarilin habang ito'y nakikipag-inuman Sabado ng gabi.

Bandang 9:00 PM nang makita sa CCTV ang apat na lalaki na sakay ng motorsiklo na biglang pinagbabaril ang isang bahay.

Target umano ng mga gunmen si Joselito Ocampo, dating kapitan at kagawad, at ngayo'y nagtatrabaho sa Pasay City Environment and Natural Resources Office (CENRO).

Nadala pa siya sa ospital at naoperahan pero kalauna'y pumanaw din.

Sugatan din ang dalawa niyang kasama sa inuman.

Tatlong terminong naglingkod bilang barangay chairman si Ocampo bago na-appoint sa CENRO.

Watch more in iWant or iWantTFC

Blangko pa ang mga kaanak sa motibo sa pamamaslang.

Ayon sa pamangkin ng biktima, mabait at walang kaaway si Ocampo.

Patuloy ang imbestigasyon ng Pasay Police sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.