PatrolPH

Umano'y NPA leader patay sa engkuwentro sa Northern Samar

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2020 02:46 PM

Watch more on iWantTFC

Patay sa engkuwentro ang isang lider ng New People's Army matapos makasugapa ng tropa ng gobyerno sa San Isidro, Northern Samar, sabi ngayong Miyerkoles ng militar.

Ayon sa 803rd Brigade, nakasugapa ng tropa ng 43rd Infantry Battalion ang aabot sa 60 kasapi ng NPA sa Barangay Happy Valley noong Lunes.

Nauwi ang engkuwentro sa pagkamatay ng lider na kinilala bilang alyas "Apple," secretary sa ilalim ng Eastern Visayas Regional Party Committee.

Wala naman umanong nasaktan sa panig ng militar.

Napasok din ng militar ang kampo ng mga rebelde. Nakuha nila ang isang cellphone, 2 bote ng dextrose, at mga dokumento.

Ayon kay 43rd Infantry Battalion commanding officer Lt. Col. Raymundo Picut Jr., malaking tulong ang ibinigay na impormasyon ng mga residente para matunton ang kinaroroonan ng mga rebelde.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.