PatrolPH

May-ari ng carwash, sugatan matapos 'manlaban' sa Legazpi City

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2020 10:38 PM

May-ari ng carwash, sugatan matapos 'manlaban' sa Legazpi City 1
Kuha ng Legazpi City Police Station

LEGAZPI, Albay - Isang lalaki na may-ari ng carwash ang sugatan matapos barilin ng pulis sa isang buy-bust operation sa Legazpi City nitong Martes ng gabi.

Ayon kay Police Lt. Col. Rodelon Betita, hepe ng Legazpi City Police Station, nanlaban umano ang lalaking residente ng Brgy. Washington sa mga pulis kaya nabaril.

Dati nang naharap sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga ang lalaki pero patuloy umano siya sa pagbebenta ng naturang kontrabando.

Nagpapagaling sa isang ospital sa Albay ang lalaki.--Ulat ni Karren Canon


RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.