PatrolPH

Ilang residente malapit sa gumuhong minahan sa Toledo City, Cebu, pinalikas

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2020 06:34 PM

Ilang residente malapit sa gumuhong minahan sa Toledo City, Cebu, pinalikas 1
Ipinag-utos na ni Toledo City Mayor Joie Pizon-Perales ang pag-evacuate sa mga residente na nakatira sa critical zone ng landslide area. Photo courtesy: Toledo City Public Information Office


MAYNILA – Patuloy ang rescue operations para sa 6 pang nawawalang minero na natabunan ng landslide sa mining site ng Carmen Copper Corporation (CCC) sa Toledo City, Cebu. 

Nangyari ang pagguho noong Lunes ng hapon. Hanggang Martes ng hapon, 4 na bangkay na ng mga minero ang narekober. 

Inamin naman ng Philippine Coast Guard na nahihirapan sila sa paghahanap dahil malambot pa rin ang lupa ng landslide area.

Ikinakatakot naman ngayon ng mga residente sa Barangay Biga, na nakakasakop sa minahan, na baka madamay ang mga bahay nila sakaling magkaroon muli ng landslide. 

Dahil dito, ipinag-utos na ni Toledo City Mayor Joie Pizon-Perales ang pag-evacuate sa mga residente na nakatira sa critical zone ng landslide area.

Sinuspinde na ng Mines and Geosciences Bureau-Central Visayas ang buong operasyon ng CCC dahil sa landslide.


–Mula sa ulat ni DX Lapid

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.