6 nasagip sa tumaob na bangka sa Palawan

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2019 12:36 AM

PALAWAN—Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 6 na sakay ng isang bangkang tumaob sa karagatan ng Cuyo, Palawan Linggo ng gabi.

Ayon kay PCG Spokesperson Captain Armando Balilo, mula Cuyo, Palawan, papunta ng Agutaya Palawan nang makaranas ng malakas na hangin at malalaking alon ang nasabign bangka kaya ito tumaob.

Nasa mabuti namang kalagayan ang anim na nasagip at nananatili sa PCG station sa Cuyo. —Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.