2 pulis sugatan sa pananambang ng umano'y NPA sa Iloilo

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2019 03:58 PM

MAYNILA - Sugatan ang 2 pulis matapos pasabugan ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army ang isang police mobile sa bayan ng Tubungan, Iloilo nitong Lunes ng umaga.

Sugatan sina Patrolman Eric Galve at Police Staff Sgt. Ian John Lindo nang pasabugan ng landmine ang sasakyan ng 1st Iloilo Mobile Force Company, ayon kay Philippine National Police officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa.

Patungo ang grupo ng mga pulis na nakasakay sa 2 sasakyan sa Barangay Singon nang maganap ang pag-atake, base sa ulat ng Police Regional Office-Western Visayas.

Naganap ang pag-atake sa unang araw ng ceasefire sa pagitan ng security forces ng gobyerno at Communist Party of the Philippines.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.