PANOORIN: Karambola ng 10 sasakyan sa SCTex, 4 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2017 12:27 PM

 

Apat ang sugatan sa naganap na karambola ng 10 sasakyan sa kahabaan ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTex) Sabado ng umaga habang marami ang bumabiyahe bago mag-Pasko. 

Ayon sa SCTex Traffic Control, naganap ang aksidente alas-8:42 ng umaga sa northbound side ng expressway.

Kasalukuyan na umanong naitabi ang mga sangkot na sasakyan para hindi na magsikip pa lalo ang daloy ng trapiko.

Tatlo sa apat na sugatan, dalawang babae at isang lalaki, ang naasikaso ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Tarlac. Pawang nagpahatid na ang mga ito sa Angeles University Hospital.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.