Mga bagong barya, di pa tanggap sa ticket machines ng LRT, MRT

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2017 12:39 AM

Hindi pa magagamit sa mga linya ng LRT at MRT ang mga bagong baryang inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng LRT, kailangan munang i-reconfigure ang kanilang mga ticket vending machine (TVM) para sa bagong disenyo ng mga barya.

Isang sistema ng TVM lang ang ginagamit ng mga linya ng tren ng LRT at MRT.

Posibleng sa Marso pa sa susunod na taon puwedeng gamitin ang mga bagong barya sa mga nasabing machine.
    
Sa ngayon, maaaring gamitin ang mga bagong barya sa pagbili ng single journey ticket, stored value card (SVC) o top-up SVC mula sa mismong mga station teller.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.