2 bus nagsalpukan sa NLEX

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2017 04:33 PM

Dalawang bus ang nagsalpukan sa northbound exit ng Mexico, Pampanga sa North Luzon Expressway, Sabado. Kuha ni Bayan Patroller Caress Gonzales.

Nagsalpukan ang dalawang bus malapit sa northbound exit ng Mexico, Pampanga sa North Luzon Expressway, Sabado ng umaga.

Ayon sa inisyal na ulat mula kay Rona Ersando, staff ng NLEX Traffic Control, isang bus ng First North Luzon Transit at isang Golden Bee Bus ang nagkabanggaan sa lugar alas-10:18 ng umaga. 

Masyado umanong nagkalapit ang dalawang bus sa isa't-isa na naging sanhi ng banggaan. 

Makikitang nabasag ang windshield at natanggal ang unahang bumper ng pampasaherong bus.

Sa paunang ulat ay walang naitalang nasugatan sa aksidente habang naialis na sa lugar ang mga nagkabanggaang bus bandang alas-12 ng tanghali.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.