PatrolPH

Bongbong-Sara tandem nanguna sa pinakahuling Pulse survey

ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2021 09:24 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Nanguna sa pinakahuling Pulse Asia survey bilang "most preferred" para sa president at vice president sa halalan sa 2022 ang tambalang Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio. 

Ayon sa survey na inilabas nitong Miyerkoles base sa sagot ng 2,400 respondents mula Disyembre 1 hanggang 6, higit sa kalahati o 53 percent ang nagsabi na iboboto nila si Marcos bilang presidente, habang 20 percent ang nagsabing si Vice President Leni Robredo ang iboboto nila kung ang halalan ay gaganapin na noong survey period. 

Sumunod dito sina Isko Moreno, Manny Pacquiao, at Ping Lacson. 

Halos zero percent naman sina Antonio Parlade, Leody de Guzman, at Norberto Gonzales.

Ayon sa Pulse Asia, mayorya sa lahat ng geographic area at socioeconomic classes ang boboto kay Marcos kung isinagawa ang eleksyon sa panahon ng survey period.

Ikinatuwa ng Marcos camp ang resulta ng Pulse Asia survey.

"Nakikita ng tao na talagang maayos, hindi palaaway, hindi basag-ulo at hindi mapagpatol at talagang very humble ang pagkatao ni Ferdinand 'Bongbong' Marcos," sabi ni Vic Rodriguez, spokesman ni Marcos.

Sa isang pahayag, sinabi ng kampo ni Robredo na "malinaw" na ang laban ay sa pagitan umano niya at ni Marcos.

Samantala nagpasalamat naman ang kampo ni Moreno sa pangunguna sa pipiliin kung wala ang kanilang first choice. 

—Ulat ni Adrian Ayalin, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.