PatrolPH

Lalaking nag-amok umano sa Bulacan, patay

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2020 06:00 PM | Updated as of Dec 22 2020 09:03 PM

Lalaking nag-amok umano sa Bulacan, patay 1
CAPTION: Nag-amok umano ang suspek at nasaksak nito ng ice pick ang rumespondeng pulis sa insidente kaya nabaril siya. Larawan mula sa Police Regional Office 3

Patay ang isang lalaking nag-amok umano matapos siyang mabaril ng pulis na kaniyang nasaksak sa Bulacan, Lunes ng gabi.

Sa imbestigasyon, nirespondehan ni Police Cpl. ‬Rafael‭ ‬Tagle,‭ ‬intelligence‭ ‬operative‭ ng ‬Baliwag‭ ‬Municipal Police Station ang iniulat na pag-aamok at panggugulo umano ni Edwin Roque, alias Papo, sa Barangay Tangos sa nasabing bayan.

Pero imbes na kumalma, nasaksak pa ni Roque si Tagle ng ice pick sa tiyan, dahilan para mabaril siya ng pulis na naging sanhi naman ng kaniyang pagkamatay.

Suwerteng naka-vest ang pulis kaya sugat lang ang tinamo nito at hindi gaanong napuruhan.

Narekober sa crime scene ang isang ice pick at 2 basyo ng bala ng 9mm na baril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.