PatrolPH

Drive-thru COVID-19 test center sa Maynila sinara nang 2 linggo

ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2020 01:58 PM

Drive-thru COVID-19 test center sa Maynila sinara nang 2 linggo 1
Drive-thru COVID-19 testing center sa Quirino Grandstand sa Maynila. ABS-CBN News

MAYNILA — Pansamantalang isinara ang drive-thru COVID-19 testing center sa Quirino Grandstand sa lungsod na ito ngayong holiday season, ayon sa Manila Public Information Office (PIO).

Inanunsiyo ng Manila PIO ang 2 linggong pagsasara ng drive-thru COVID-19 sereology testing para sa holiday break.

Daan-daang sasakyan ang pumipila sa naturang center kada araw dahil libre kahit hindi residente ng Maynila, kaya nagulat ang mga motorista nang malamang sarado pala ito.

Ayon sa Manila PIO, sa Enero 4 pa inaasahang magbubukas muli ang testing center.

Bukod doon, pansamantala din munang isasara ang walk-in testing sa Ospital ng Tondo, Ospital ng Sampaloc, at Ospital ng Maynila.

Tuloy naman umano ang libreng COVID-19 test sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center at Justice Jose Abad Santos General Hospital.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.