PatrolPH

ALAMIN: Schedule ng LRT-1 para sa holiday season

ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2020 12:42 PM

ALAMIN: Schedule ng LRT-1 para sa holiday season 1
Paparating sa isang istasyon sa Maynila ang tren ng LRT-1. George Calvelo, ABS-CBN News

MAYNILA - Magpapatupad ng mas maigsing operating hours ang LRT-1 sa Disyembre 24 at Disyembre 31 na parehong idineklarang special non-working holiday. 

Sa anunsiyo ng LRT-1, sinabing magsisimula ng alas-4:30 ng madaling araw hanggang alas-8 ng gabi ang biyahe sa Disyembre 24, bisperas ng Pasko. 

Sa Disyembre 31, o New Year’s Eve, tatakbo ang LRT-1 mula alas-4:30 ng madaling araw hanggang alas-7 ng gabi. 

Regular naman ang biyahe ng LRT-1 sa araw ng Pasko o sa Disyembre 25, sa Rizal Day sa Disyembre 30, at sa Enero 1. 

Karaniwang mula alas-10 hanggang alas-10:30 ang huling biyahe ng LRT-1, depende sa bababaang istasyon.

Mananatili namang sarado ang Roosevelt Station dahil sa konstruksyon ng common stations. 

RELATED VIDEO: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.