PatrolPH

ALAMIN: Mga puwede, bawal na paputok ayon sa Firearms and Explosives Office

ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2020 07:59 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Naglabas ng listahan ang Firearms and Explosives Office at Civil Security Group ng mga ipinagbabawal na paputok o firecrackers. 

Narito ang mga ipinagbabawal na paputok: 

  • Watusi
  • Piccolo
  • Pop-pop
  • Five-star
  • Pla-pla
  • Lolo Thunder
  • Giant Bawang
  • Giant Whistle Bomb
  • Atomic Bomb
  • Atomic Triangle
  • Large-size Judas Belt
  • Goodbye De Lima
  • Hello Columbia
  • Goodbye Napoles
  • Super Yolanda
  • Mother Rockets
  • Kwiton
  • Super Lolo
  • Goodbye Bading
  • Goodbye Philippines
  • Bin Laden
  • Mother Rockets
  • Coke in Can
  • Pillbox
  • Boga
  • Kabasi 

Bawal din ang mga overweight at oversized na mga paputok, maging ang mga imported o locally-made. 

Pero mayroon namang pinapayagang mga paputok at mga pyrotechnic o pailaw: 

Paputok 

  • Baby Rocket
  • Bawang
  • El Diablo
  • Judas Belt
  • Paper Caps
  • Pulling of Strings
  • Sky rocket o kwitis
  • Small Triangulo 

Pailaw o pyrotechnics

  • Butterfly 
  • Fountain
  • Luces
  • Mabuhay
  • Roman Candle Sparklers
  • Trompillo 
  • Whistle Device

Pero pagdating naman sa mga itinuturing na class 4 fireworks, kailangan ng permit. 

"Yan po kailangan 'yung expert ang magpaputok kasi delikado po iyon dahil kailangan po ng lisensya noon. Pero 'yung mga class 1 to 3 yung mga pailaw na kahit sino puwedeng magpailaw," ani Police Brig. Gen. Rommil Mitra, chief ng Firearms and Explosives Office. 

Kinumpirma naman ng Metro Manila Council, samahan ng mga alkalde sa Kamaynilaan, na bawal talaga ang paputok sa NCR. 

"Basta paputok, yun ay banned. Yung mga fireworks display ina-allow po yan. Kailangan lang ng permit," ani MMC chair at Parañaque Mayor Edwin Olivarez. 

Nanawagan naman ang mga pinuno ng Philippine Pyrotechnic Manufacturers and Dealers Association at Philippine Fireworks Association huwag sila idamay sa galit ng publiko sa ilegal na paputok. 

"Malungkot ang Pasko ng mga nasa industriya na ito, dahil medyo nade-demonize masyado. Nakakasakit. ‘Pag nakikita natin taon-taon pinag-uusapan ang mga bawal na paputok. ‘Pag tiningnan natin ‘yung datos ng DOH wala namang nasasaktan doon eh,” ani Joven Ong ng Philippine Fireworks Association. 

"Ngayong taon na ito matumal. Nagpupursige kami na makaubos makabenta para di naman kami bagsak na bagsak. Hayaan naman po makabili ang mga tao," ani Lea Alapide ng Philippine Pyrotechnic Manufacturers Association. 

Ayon kay kay Ong, kailangang klaruhin ng pamahalaan kung ano ang kanilang plano pagdating sa mga paputok. 

— Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.