Naghatid ng Noche Buena packages ang Sagip Kapamilya para sa 150 pamilya sa Sitio Sapang Munti sa Norzagaray, Bulacan. ABS-CBN News
Pagtitinda ng mga pananim na gulay at barbecue stick ang ilan sa mga pinagkakakitaan ng mga taga-Sitio Sapang Munti sa Ipo Dam, Norzagaray, Bulacan.
Pareho itong pinahina ng pandemya at bahang dala ng Bagyong Ulysses noong nakaraang buwan.
Nakatambak ngayon sa bahay ng residenteng si Celina Balasoto ang matagal na nilang nagawang mga stick, na hindi maibenta sa kaniyang mga suki.
Ito na raw ang pinakamatinding pagsubok sa kaniyang hanapbuhay sa loob ng isang dekada.
"Matumal po talaga, medyo wala kaming pang-ano ngayon... kulang na kulang sa pangpamilya namin," ani Balasoto.
Kahit bagsak ang kabuhayan, sinisikap nila Balasoto na salubungin ang Pasko na puno ng pag-asa.
"Ngayon, nagpupursige kahit na lang [para sa] regalo sa mga anak ko," aniya.
Laking panghihinayang din ni Wilma Mendoza na ang karaniwang maraming ani ng gulay tuwing magpa-Pasko ay hindi niya mararanasan ngayong taon.
Winasak kasi ng baha ang halos lahat ng kanilang pananim.
Sakay ng 7 bangka, isang oras tinawid mula sa isang barangay ang Noche Buena packages ng Sagip Kapamilya para sa 150 pamilya ng Sitio Sapang Munti.
Nais pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na donor:
Patuloy na nananawagan ang ABS-CBN para sa pagbabayanihan at pagtulong sa pagbangon ng mga naapektuhan ng bagyo.
-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, public service, Sagip Kapamilya, Lingkod Kapamilya, Noche Buena package, Sitio Sapang Munti, Norzagaray, Bulacan, Ulysses, UlyssesPH, TV Patrol, Bernadette Sembrano, TV PATROL TOP, site only