Presyo ng lechon sa La Loma di na tataas hanggang Pasko

Michael Joe Delizo, ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2019 08:24 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Nakapako na ang presyo ng paboritong putahe sa holidays na lechon, at hindi na umano ito gagalaw hanggang katapusan ng taon.

Ayon sa mga nagtitinda ng lechon sa La Loma, sisipa lang ito bago mag-New Year na posibleng tumaas nang P1,000.

Nasa P4,000 hanggang P15,000 ang presyo ng lechon sa La Loma, depende sa laki.

Ang negosyanteng si Tantan Yang, tambak na raw ng order mula pa noong Disyembre 1 para sa mga Christmas party.

"Tradisyon na iyan, iyan talaga ang hinahanap ng mga tao," ani Yang.

Tingin nila, unti-unti nang nakakabangon ang industriya ng baboy matapos hagupitin ng isyu ng African swine fever.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang paghihigpit nila sa sakit.

"We will assure the public na ang La Loma, under supervision kami ng Quezon City Veterinary Office, napakahigpit namin," sabi ni Ramon Ferrero, presidente ng La Loma Lechoneros Association.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.