P7-M halaga ng ‘shabu’ sa Negros Oriental nakumpiska, 3 arestado

ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2019 08:21 PM

Photo from Negro Oriental PNP

NEGROS ORIENTAL—Mahigit P7 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nabawi ng Philippine National Police (PNP) sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation sa probinsya ng Negros Oriental sa nakaraang linggo.

Tatlong suspek naman ang arestado matapos ang nasabing operasyon.

Inaresto ng PNP ang dalawang hinihinalang suspek, Sabado ng gabi, sa Barangay Cangmating, Sibulan.

Nakuha sa kanila ang 75 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P510,000. Nakuha rin sa kanila ang isang 9mm caliber Ingram submachine gun, isang 45 caliber pistol at mga magazine at bala.

Samantala, nahuli rin ang isang 29 anyos na suspek, Linggo ng umaga, sa Barangay Camanjac, Dumaguete City.
 
Nakuha sa kanya ang 1 kilo ng hinihinalang shabu na may halagang P6.8 milyon. Kinumpiska rin ng pulis ang kanyang minamanehong motorsiklo at cellphone.—Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.