Mga biktima ng lindol sa Davao del Sur, nangangamba kay 'Ursula'

Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2019 11:20 PM

Nababahala ang 7,000 biktima ng lindol sa Padada, Davao del Sur sa pagdating ng bagyong Ursula matapos umapaw ang tubig sa kanilang evacuation area dahil sa malakas na ulan. 

Ayon sa mga lokal na opisyal, binabaha talaga ang lugar na ginamit bilang evacuation center ng mga biktima ng lindol. 

Bukod sa paparating na bagyo, inaasahan pa rin ang mga aftershock sa Mindanao.

Nakiusap naman si Senador Bong Go sa National Housing Authority na pag-aralan ang mga lugar na tinamaan ng lindol kung maari pa itong tayuan ng bahay o kung kailangan ng relokasyon.

Dumalaw si Go sa mga evacuees para mamigay ng tulong mula sa NHA, Office of the President, Philippine Charity Sweepstakes Office at Philippine Amusement ang Gaming Corporation. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.