TINGNAN: Sitwasyon sa mga bus terminal 3 araw bago mag-Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2018 09:36 PM

MAYNILA—Fully booked na ang karamihan ng mga biyahe ng Araneta Center Bus Terminal tatlong araw bago mag-Pasko.

Magmula Biyernes, nasa 5,000 ang bilang ng mga pasaherong pumunta sa terminal nitong Sabado, ayon sa pamunuan ng terminal.

Karamihan umano rito ay mga chance passenger dahil puno na ang karamihan ng mga biyahe hanggang sa araw ng Pasko.

Fully booked na ang karamihan ng mga biyaheng pa-Western at Eastern Visayas, at Bicol hanggang Disyembre 24. Pero sa kabila nito, patuloy ang dagsa ng mga tao, na nagdulot na ng matinding trapiko sa paligid ng mga terminal.

Mga pasaherong nakapila sa Five Star Bus Terminal sa Cubao, Quezon City. Kuha ni Ren Orduña

Sa isang terminal sa Cubao, may ilang pasahero naman na halos 5 oras nang nakatayo sa pila.

Mga pasaherong nakapila sa Five Star Bus Terminal sa Cubao, Quezon City. Kuha ni Ren Orduña

 

—May ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News