3 bangkay nakuha sa gilid ng ilog sa Occidental Mindoro

ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2018 02:56 PM

MAYNILA - Tatlong bangkay ng mga lalaki ang natagpuan sa gilid ng ilog sa Sablayan, Occidental Mindoro nitong Sabado ng umaga.

May mga tama ng baril, nakagapos ang mga kamay, may busal ang mga bibig, at may piring ang mga mata ng mga biktima nang matagpuan sa gilid ng ilog sa Barangay Burgos, ayon kay Chief Insp. Jeney Magan.

Hindi pa nakikilala ang tatlong biktima at iniimbestigahan pa ang kanilang pagkamatay.

-ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.