3 arestado sa buy-bust sa Pasig

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2018 09:29 AM

MANILA - Aabot sa P150,000 halaga ng shabu ang nakuha mula sa 3 suspek na huli sa ilegal na pagbebenta ng baril sa lungsod ng Pasig, Biyernes.

Dinakip ng mga pulis ang mga suspek na sina Kim Morallado, Amado Gaspas at John Suarez matapos nilang iabot sa isang undercover na pulis ang isang kalibre .38 na baril kapalit ng P3,000, ani Chief Insp. Benigno Meneses, officer-in-charge ng Eastern District field unit ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Nakuha mula sa grupo ang 12 sachet ng hinihinalang shabu, 3 baril at mga bala, sabi ni Meneses.

Itinanggi naman ng grupo na sa kanila ang nakuha na droga at baril.

Ayon sa imbestigasyon ng CIDG, si Suarez umano ang lider ng Bandal Criminal Group na sangkot sa panghoholdap, pagtutulak ng droga at gun-for-hire.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.