2 tulak ng droga arestado sa buy-bust sa Davao

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2018 11:01 AM

DAVAO CITY - Dalawang tulak ng droga ang dinampot ng mga awtoridad dito sa lungsod, Biyernes, at umamin sa kanilang ilegal na gawain.

Unang nahuli ng mga pulis ang taxi driver na si Ronnel Argillo matapos niyang bentahan ng ilegal na droga ang mga operatiba.

Nakuha mula kay Argillo ang 2 sachet ng shabu.

Nahuli rin ang umano'y supplier ni Argillo na si Bernard Denila sa bayan ng Sto. Tomas sa Davao del Norte nang makuha sa kaniya ang 6 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P64,000.

Inamin ng 2 suspek na gumagamit at nagbebenta nga sila ng droga.

Nahaharap sina Argillo at Denilla sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.