PANOORIN: Pagtama sa lupa ng bagyong Vinta

Madonna Timbal-Senajon, ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2017 03:48 AM | Updated as of Dec 22 2017 04:23 AM

 

CATEEL, DAVAO ORIENTAL - Ito ang sitwasyon sa Poblacion, Cateel, Davao Oriental kung saan nararanasan na ang malakas na hangin at ulan dulot ng bagyong Vinta matapos itong mag-landfall Biyernes ng umaga.

Ayon sa lokal na pamahalaan, may ilan nang puno ang natumba sa Poblacion,Cateel at patuloy ang kanilang monitoring kung may mga na-trap na residente dahil sa malakas na ulan. 

Kakabalik lang ng kuryente matapos ang tatlo o apat na oras na brownout.

Ang malakas na hangin ay maaring makabuwal ng mga puno.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.