Babae umano'y nag-shoplift ng 67 T-shirt, tiklo

Kristine Sabillo, ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2017 08:26 AM

Arestado ang isang babae matapos umanong mag-shoplift ng 67 na t-shirt sa isang mall sa Caloocan.

Kinilala ang nahuli na si Mylene dela Cruz.

Ayon sa may-ari ng tindahan, nadiskubre nila ang pagnanakaw nang hindi na nila mahanap ang mga T-shirt na dapat pangdisplay.

Nakita nila sa CCTV ang 2 babaeng pasimpleng kumukuha ng mga plastic ng T-shirt mula sa lalagyan ng stocks.

Sa loob ng limang minuto ay nakuha ng mga suspek ang mga piraso ng damit.

Nahuli ng security personnel ng mall si dela Cruz nang bumalik ito sa tindahan na pinaniniwalaan na magnanakaw naman ulit. Nakilala siya dahil sa security footage.

Kasalukuyang nakakulong sa custodial facility ng Caloocan Police Station ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.