5 patay sa sunog sa gas station sa Davao Oriental

Berchan Louie Angchay, ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2017 05:21 PM

Limang empleyado ng isang gasoline station ang namatay matapos ma-trap sa nasusunog nilang bunkhouse sa Banaybanay, Davao Oriental nitong Biyernes.

Patay ang limang empleyado sa isang gasoline station sa Banaybanay, Davao Oriental, matapos ma-trap sa nasusunog nilang bunkhouse Biyernes ng madaling araw.

Lumabas sa imbestigasyon na nagsimula ang sunog sa ground floor ng gusali. Hindi nakalabas ang mga empleyado dahil sa nasusunog na hagdan.

Kinilala ang mga biktima na sina Mary Jane Esctadro, Jane Ponce, Normalyn Tucon, Dominic Gonzales at isang menor de edad.

Aabot sa P800,000 ang danyos dahil sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Banay-Banay upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Nangako naman ang may-ari ng gasolinahan na sasagutin ang pagpapalibing sa mga biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.