Naghatid ng pang-Noche Buena ang Sagip Kapamilya sa ilang pamilya sa Rodriguez, Rizal na nasalanta ng Bagyong Ulysses. ABS-CBN News
Tambakan ng basura ang Sitio Harangan Gulayan sa Rodriguez, Rizal kaya sa pangangalakal ng basura na rin nakahanap ng kabuhayan ang mga residente.
Noon, P500 kada araw ang kinikita sa pangangalakal ng mister ni Irene Ortis. Pero dahil sa community quarantine na sinabayan pa ng Bagyong Ulysses bitong Nobyembre, wala pa sa kalahati ang halagang naiuuwi niya sa pamilya ngayon.
"Ang ginagawa po namin, 3 beses sa isang araw, tinitipid namin iyong isang kilo [ng bigas]. Tapos minsan, kung walang-wala talaga, naglulugaw na lang kami," ani Ortis.
Ang pangulo ng kanilang homeowners association na si Aira Dacua ay umalaalay sa kaniyang simpleng paraan.
Bahagi ng kinikita ni Dacua sa maliit nilang tindahan ay ipinangpopondo sa feeding program na sinimulan noong Marso.
"Nakita naming hirap dito noong mag-lockdown. 'Yong mga bata, kumakain na lang sila ng janitor fish," ani Dacua.
Nakakuha si Dacua ng pagkakataong sumulat sa ABS-CBN upang humingi ng tulong para sa kaniyang mga kasama sa komunidad.
Agad naman itong tinugunan ng Sagip Kapamilya, na nagdala ng 200 Noche Buena packs para sa mga residente.
Binisita rin ng ABS-CBN ang San Lorenzo Ruiz Home for the Elderly sa Pasay City, dala ang nasa 150 Noche Buena packs.
Nais pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na donor:
Patuloy na nananawagan ang ABS-CBN para sa pagbabayanihan at pagtulong sa pagbangon ng mga naapektuhan ng bagyo.
-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Lingkod Kapamilya, Sagip Kapamilya, public service, Rodriguez, Rizal, Ulysses, UlyssesPH, Noche Buena, Noche Buena package, Pasko, TV Patrol, Bernadette Sembrano, site only