P1.3-M sweldo ng mga taga-kooperatiba sa Negros Occidental, tinangay

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2019 12:23 AM

Kinakausap ng pulisya ang isa sa mga tumangay umano ng pang-sweldo ng mga empleyado ng isang kooperatiba sa Sagay, Negros Occidental. Kuha ng Sagay City Police

SAGAY, Negros Occidental - Nasa P1.3 milyong sweldo ng mga empleyado ng isang kooperatiba sa bayan na ito ang natangay Huwebes matapos holdapin ang humahawak ng naturang pera.

Ayon kay Rosalie Toralba, matapos niya mag-withdraw ng naturang pera mula sa bangko, tinutukan siya at ang kasama niya ng baril ng 2 lalaking naka-helmet sa harap ng kanilang kooperatiba.

Naagaw ng mga lalaki ang bag ng biktima, kung nasaan ang pera, at agad sila tumakas.

Agad nahuli ng pulisya ang isa sa mga tinuturong responsable.

Sasampahan ng kasong robbery hold-up ang suspek at ang nakatakas na kasama. - Ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.