Nag-amok na lalaki, patay matapos manlaban sa pulis

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2019 02:00 PM

Patay ang isang 43 anyos na lalaki matapos umano manlaban sa mga rumerespondeng pulis sa San Carlos City, Negros Occidental.

Inireklamo umano ng mga residente si Jerson Mata matapos mag-amok sa tapat ng isang bakery, Biyernes ng gabi.

Ayon sa hepe ng San Carlos Police na si Police Lt. Col. Frederick Mead, nasugatan si Police Staff Sgt. Rosendo Rosagazo sa kamay matapos saksakin ni Mata gamit ang basag na bote.

Natumba ang pulis at tinangka pa umanong undayan muli ng saksak ni Mata kaya binaril na siya ng isa pang pulis na si Patrolman Nicolas Martinez.

Patay si Mata matapos magtamo ng tama ng bala sa katawan, kamay at paa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.