Lalaking nakuhanan ng mga bala ng shotgun sa LRT-2, arestado

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2019 05:44 AM

QUEZON CITY—Arestado ang isang 59 anyos na pasahero ng Light Rail Transit (LRT) 2 matapos makuhanan ng mga bala ng shotgun, Biyernes ng gabi sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni LRT-2 security chief Benjie Cayabyab, papasok ng tren ang lalaki at dumaan sa regular na inspeksyon ng bag sa entrance. 

Dito na tumambad sa mga security guard ang 65 live ammunition ng shotgun at isang empty magazine ng 9mm na baril. 

Dinala na sa Cubao Police Station ang suspek na posibleng maharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.