Lalaki patay sa pamamaril sa QC; isa sugatan

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2019 05:52 AM | Updated as of Dec 21 2019 06:02 AM

QUEZON CITY—Patay ang 54 anyos na lalaking si Gabriello Quiterio matapos pagbabarilin Biyernes ng gabi sa footbridge ng Commonwealth Avenue, Quezon City.

Sugatan naman ang 31 anyos na jeepney driver na si Jomar Tusi.

Ayon kay Police Lt. Col. Romulus Gadaoni ng Batasan Police Station, nakarinig ng sunod sunod na putok ng baril ang isang traffic enforcer, saka nakitang bumulagta sa kalsada si Quiterio.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

Isinugod naman sa ospital si Tusi na tinamaan din sa pamamaril.

Ayon kay Gadaoni, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa krimen.—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.