Higit P9-M halaga ng shabu, nasabat sa Bacolod; 2 tiklo

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2019 11:16 PM

BACOLOD CITY—Mahigit P9.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa dalawang suspek sa isang buy-bust operation sa Barangay Banago sa lungsod na ito Sabado ng gabi.

Sampung malalaking sachet ng kontrabandong may bigat na 600 gramo ang nakuha sa dalawang lalaki, kabilang na ang isang tinuturing na high-value target.

Dating drug surrenderee ang isang 22-anyos na suspek

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek.

Hindi pa tukoy ng pulisya ang supplier ng mga suspek, na haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.