Commercial area sa Mall of Asia, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2019 09:56 PM

Nasunog ang isang commercial area sa SM Mall of Asia sa Pasay City Sabado ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas 7:40 ng gabi sa Coral Bay.

Umabot sa unang alarma ang sunog bago ito naapula alas 8:28 ng gabi.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi nito.

Wala namang naitalang sugatan o nasawi sa insidente.

—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.