Babae arestado sa droga sa Navotas

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2019 06:14 AM

NAVOTAS—Aabot sa mahigit P178,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha sa isang 38 anyos na babae sa buy-bust operation sa Barangay North Bay Boulevard North, Navotas City.

Ayon sa Public Information Office ng Northern Police District, nakipagkita ang umanong poseur buyer sa suspek sa Fish Port Compound at dito nabilhan ng hinihinalang shabu ang suspek.

Mahigit 40 sachet o 26 gramo ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa babae.
 
Mahaharap ang suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.