17,000 tsuper ng Angkas posibleng mawalan ng trabaho dahil sa utos ng LTFRB

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2019 05:23 PM | Updated as of Dec 21 2019 05:46 PM


MAYNILA — Nangangambang mawalan ng hanapbuhay ang nasa 17,000 bikers ng motorcycle taxi service na Angkas matapos umanong limitahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bilang ng units na maaaring pumasada sa Metro Manila. 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni George Royeca, Chief Transport Advocate ng Angkas, na 10,000 lang sa kanilang 27,000 bikers ang papayagan ng LTFRB na pumasada, bagay na maaaring makaapekto sa pag-book ng mga pasahero.

"That's a compromise to the quality of service you can expect, and a direct blow to 17,000 Filipino families," anila. 

Dagok anila ito sa mga tsuper na mawawalan ng trabaho lalo't papalapit na ang Pasko.

"Your everyday heroes in traffic will enter this Christmas season not knowing whether they will have money to feed their families next year."

"Bakit kailangan bawasan at tanggalan ng trabaho ang mga bikers natin? Bakit kailangan parusahan ang mga bikers na nakapag-training at napatunayan na ang galing sa daan?" tanong ng kompanya.

Magsasagawa ng unity gathering ang ride hailing app sa Linggo, Disyembre 22 para igiit ang kanilang panawagan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.