PatrolPH

NCRPO, todo-bantay ngayong bakasyon

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2018 09:11 AM

MAYNILA - Libu-libong kasapi ng pulisya ang nakakalat ngayon para panatilihin ang seguridad ng publiko, kasama na ang mga bibiyahe patungong probinsiya, mga magma-mall at maging ang mga maiiwan sa kanilang mga bahay ngayong bakasyon.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar, nasa 7,800 na mga pulis ang naka-deploy ngayon sa mga transportation hub, vital installations, at shopping centers.

"Doon sa deployment natin na 7,800, part of that is the anti-criminality effort. Bulk of this, around 4,000 personnel, sila po ang naka-assign para ipagpatuloy yung araw-araw nating ginagawang anti-criminality effort," sabi ni Eleazar sa panayam sa DZMM Biyernes ng umaga.

Dagdag niya, itataas nila ang heightened alert status sa full alert kung kinakailangan.

Bukod dito, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa force multipliers tulad ng mga security guard sa mga subdibisyon, mga barangay tanod at volunteers sa pangangalaga ng seguridad.

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.